Bakit nabigo ang aking pagbabayad?
Kung nakakaranas ka ng mga isyu sa pagbabayad, subukan ang sumusunod:
- Double-check na tama ang nailagay mong mga detalye ng pagbabayad (numero ng card, petsa ng pag-expire, CVV 2 code, atbp.).
- Tingnan kung ang iyong card ay awtorisado para sa internasyonal at online na mga pagbili. Makipag-ugnayan nang direkta sa iyong bangko para sa karagdagang impormasyon tungkol dito.
- Subukang gumamit ng ibang browser o ang Klook mobile app para mag-book.
- Subukang gumamit ng ibang card o pumili ng ibang paraan ng pagbabayad.
- Kung gumamit ka ng promo code para sa iyong order, pakisuri ang Mga Tuntunin at Kundisyon ng iyong promo code upang matiyak na ang iyong napiling paraan ng pagbabayad ay maaaring gamitin kasama ng iyong promo code.
Kung hindi mo pa rin makumpleto ang iyong pagbili, mangyaring makipag-ugnayan sa Klook Customer Support para sa karagdagang tulong at gagawin namin ang aming makakaya upang matulungan kang malutas ang isyu.